dzme1530.ph

Pangulong Marcos, tiniyak na magsisilbing reliable partner ng UN ang Pilipinas; climate action, isusulong

Loading

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Marcos na pinag-usapan nila ni Guterres ang key areas of cooperation at pinagtibay ang commitment na mapanatili ang peace and stability, economic growth, social development, at equality.

Tiniyak din ng Pangulo na patuloy na isusulong ng Pilipinas ang climate action at magsisilbing reliable partner ng United Nations.

Inaasahan din ni Pangulong Marcos ang paglakas ng bilateral cooperation at ang patuloy na suporta ng UN sa ASEAN, pati na sa ASEAN-UN framework.

About The Author