dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, TINIYAK NA HANDA SIYA PALAGING MAGTRABAHO

Loading

Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na nasa maayos na kondisyon ang kanyang kalusugan.
 
Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang taumbayan na huwag basta maniwala sa mga nakikitang impormasyon sa social media.
 
Idinagdag ng pangulo na sa ngayon ay nahihirapan siya dahil pinagsisikapan niyang huwag nang bumalik ang nawalang taba sa kanya.
 
Nilinaw naman ng punong ehekutibo na nagpapasalamat siya sa mga taong nag-aalala sa kanya ngunit hindi dapat pansinin ang mga kumakalat na pekeng impormasyon sa social media.
 
Balik na anya siya sa kanyang regular routine sa nakalipas na tatlong buwan at tiniyak na handa siya palaging magtrabaho.

About The Author