dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, POSIBLENG MAGLABAS NG EXECUTIVE ORDER HINGGIL SA FUEL EXCISE TAX SA KALAGITNAAN NG ABRIL, AYON SA FINANCE DEPARTMENT

Loading

Posibleng maglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order, kung sususpindihin o babawasan ang excise tax rate sa produktong petrolyo sa April 12 o 13, ayon sa Department of Finance (DOF).
 
Ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano na 15 days pa bago maging epektibo ang batas pagkatapos itong mai-publish sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation.
 
March 25 nang lagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12316, na nagbigay sa kanya ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang fuel excise tax.
 
Idinagdag ni Adriano na magpupulong ngayong araw ang technical board, habang ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay magko-convene sa susunod na linggo para sa kanilang rekomendasyon..

About The Author