Pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa planong Public-Private Partnership (PPP) scheme para sa LRT-2.
Pahayag ito ni Transportation Sec. Vince Dizon sa press briefing, kanina.
Binigyang diin ni Dizon na ang PPP scheme ay para mapagbuti ang operasyon ng LRT-2.
Kahapon ng umaga ay maraming mga commuter ng tren ang naperwisyo matapos magkaroon ng technical problem ang linya.
Naayos din naman ang problema sa rectifier substation pagsapit ng tanghali, kaya naibalik ang full operations sa LRT-2.
Nagpatupad din ng Libreng Sakay simula kahapon hanggang ngayong araw sa LRT-2 bilang pambawi sa nangyaring aberya, kahapon.