Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabibilisin ang pagre-release ng mga benepisyo sa mga pamilya ng uniformed personnel na nasawi habang gumaganap sa tungkulin.
Ginawa ng Pangulo ang pagtiyak sa harap ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Social Benefits Program sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo, sa Quezon City.
Ikinalungkot ni Marcos nang malaman ang matagal na pagre-release ng mga benepisyo dahil sa komplikadong documentary requirements.
Animnapu’t dalawang (62) beneficiaries ang dumalo sa seremonya, kabilang ang mga pamilya ng uniformed personnel mula sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection na nasawi habang nasa operasyon.
Makatatanggap sila ng P500,000 sa pamamagitan ng dalawang tranches, bukod pa sa P100,000 na ipagkakaloob ng Office of the President.