Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magdudulot ng political turmoil ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng Pangulo na bagaman hindi niya gusto ang impeachment laban sa bise presidente ay nasa pagpapasya ito ng mga mambabatas.
Inihayag din ni Marcos na hindi ang mga kaalyado niyang mga kongresista ang naghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Idinagdag ng Punong Ehekutibo na hindi niya maaring impluwensiyahan ang mga indibidwal na sangkot sa paghahain ng mga reklamo laban sa bise presidente.