![]()
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Muslim Filipinos na palalimin ang kanilang pananampalataya at pagtibayin ang pagkakaisa sa kanilang mga komunidad.
Ang mensahe ng Pangulo para sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan, bukas, ay isinapubliko ng National Commission on Muslim Filipinos (NMCF).
Inilarawan ni Marcos ang ramadan bilang “sacred ground for renewal, not only personal but communal.”
Binigyang diin din ng punong ehekutibo ang spiritual discipline sa isang buwang paggunita sa isa sa limang haligi ng Islam.
Inihayag ng NCMF na bukas pa magsisimula ang Ramadan matapos walang mamataang crescent moon, kagabi.
