Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng patient transport vehicles (PTVs) sa Northern Mindanao.
Sa ginawang distribusyon sa Cagayan De Oro City, sinabi ng Pangulo na katuparan ito ng kanyang pangako noong nakaraang taon, kung saan lahat ng lalawigan sa bansa ay makatatanggap ng PTVs.
Ibinida ni Pangulong Marcos na umabot na sa 291 PTVs ang naipamahagi ng pamahalaan.
Kahapon ay nagbigay ang pangulo ng 91 PTVs, na kinabibilangan ng 85 para sa Northern Mindanao at 6 para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng ₱2.2 Billion na budget na inilaan para sa pagbili ng 1,000 ambulansya na ipamamahagi sa buong bansa.