dzme1530.ph

Pangulong Marcos, namahagi ng internet kits at school supplies sa Marawi

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang para magkaroon ng mas mabilis na access sa digital education at basic learning leads ang Marawi City.

 

Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, ininspeksyon ng pangulo ang Temporary Learning Spaces (TLS) sa Barangay Sagonsongan, kung saan pitundaan at dalawampung mga mag-aaral ang kasalukuyang naka-enroll sa limang paaralan.

 

Ang TLS ay nagpapatuloy na government intervention na nagsimula matapos ang Marawi Siege noong 2017, kung saan nagtayo ng emergency classrooms para sa mga mag-aaral na ang mga paaralan ay nawasak ng kaguluhan.

 

Sinaksihan ng Pangulo ang pagkakabit ng Starlink internet unit – isang personal donation para suportahan ang mga estudyante at guro ng reliable internet connectivity sa loob ng TLS site.

 

Nagbigay din si Pangulong Marcos ng tig-isang Starlink unit sa apat pang Elementary at High schools na matatagpuan na liblib na lugar ng lungsod.

 

Bukod sa internet kids, ay namahagi rin ang Office of the President ng school bags na may lamang school supplies sa lahat ng mag-aaral sa TLS sites.

About The Author