dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NAKIRAMAY SA PAMILYA NG PINAY NA NASAWI SA MISSILE ATTACK SA ISRAEL

Loading

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng Pilipina na nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.
 
Kasabay nito ay nangako ang Pangulo na bibigyan ng full assistance ng pamahalaan ang naulilang pamilya.
 
Sa kanyang mensahe, ginagarantiyahan din ni Marcos ang agarang pagpapauwi sa bangkay ng Pinay.
 
Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang din sa nasawi sa missile attack ang asawa ng biktima at parents-in-law.
 
Pangalawa na ito sa Pilipinong nasawi sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East, sunod kay Mary Ann Velasquez De Vera na caregiver sa Israel.

About The Author