Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang improvements sa fiber optic cable network sa Metro Manila.
Layunin ng Metro Manila Smart City Infrastructure for Network Resilience Project na makapagtatag ng centralized fiber optic network, na direktang mag-uugnay sa 17 Metro Manila Local Government Units sa MMDA at sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang mapabibilis at mapagbubuti ang pagtugon sa emergencies, traffic management, at real-time flood level monitoring.
Samantala, pinulong din ni Marcos ang matataas na opisyal para pag-usapan ang refinements sa proposed Department of Water Resources Bill.
Una nang hinimok ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Pangulo na seripikahang urget ang naturang bill upang matugunan ang water resources management sa bansa.