Kinumpirma ng Malakanyang na nagkaroon ng spiritual session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang mga Cabinet official noong nagdaang weekend.
Ito ay upang humiling ng gabay sa kanilang pagganap sa mga tungkulin bilang public servants.
Ayon kay Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, idinaos ang spiritual session kasama si Father Tito Caluag noong Sabado.
Samantala, ibinahagi ni Education Sec. Sonny Angara ang sinabi ni Pangulong Marcos na “walang tulong o pabor ang masyadong maliit para sa publiko at para sa isang Kalihim ng departamento. God is in details.”
Nagbahagi rin si Angara ng ilang litrato ng naturang spiritual session kasama ang presidente.