Nai-turnover na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kopya ng 2026 National Expenditure Program (NEP), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa Facebook post ng ahensya, personal na itinurnover ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kopya ng 2026 NEP kay Pangulong Marcos sa Malacañang.
Ang 2026 NEP ay naglalaman ng proposed ₱6.793-trillion national budget para sa fiscal year 2026, na isusumite sa Kongreso para sa deliberasyon.
Ang panukalang budget para sa susunod na taon na inaprubahan ni Pangulong Marcos noong Hulyo ay mas mataas ng 7.4 percent kumpara sa ₱6.326-trillion na national budget ngayong 2025.