Binigyang-diin ng Malacañang na walang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa press briefing, tinanong si Palace Press Office Undersecretary Atty. Claire Castro tungkol sa kakulangan ng public engagements ng pangulo kamakailan. Ipinaliwanag ni Castro na nasa private meetings ang pangulo.
Ang huling public engagement ni Marcos ay noong Sabado, nang bisitahin nito ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila. Pinangunahan din niya ang ceremonial launch ng white-colored beep cards para sa mga estudyante sa Legarda Station ng LRT-2.
Nangyari ang mga ito isang araw bago ang dalawang malalaking rallies noong Linggo, kasabay ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.