Nasa China na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kanyang tatlong araw na State Visit.
Dumating ang Pangulo kasama ang buong Philippine Delegation, pasado ala sais kagabi lulan ng PR Flight 001.
Ang pagbisita ni Pangulong Marcos mula Enero a-tres hanggang a-singko ay kasunod ng imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
Ang China ang unang non-ASEAN country na binisita ni Pangulong Marcos.
Habang nasa Beijing, inaasahang tatalakayin ng punong ehekutibo ang Maritime Dispute sa West Philippine Sea kasama ang Chinese officials.
Posible ring mapag-usapan ang pagpapatuloy ng oil and gas explorations sa rehiyon, na kinansela bago matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa sampu hanggang labing apat na Bilateral Government Agreements din ang inaasahang malalagdaan sa pagtatapos ng state visit ayon sa Department Of Foreign Affairs (DFA).