![]()
Personal na isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa United Nations (UN) Security Council.
Tiniyak ni Marcos ang kahandaan ng Pilipinas na mag-ambag bilang “voice of balance” sa gitna ng mga bansa sa mundo at bilang “voice for principled peace.”
Sa kanyang 23-minutong speech sa special plenary session sa UN General Assembly sa New York, ipinagmamalaki ng Pangulo ang pagtugon ng Pilipinas sa panawagan ng UN at ang mga pagsisikap na isulong ang kapayapaan, karapatan ng kababaihan, climate resilience, refugees at migrants, at iba pa.
Hiniling ni Pangulong Marcos ang suporta para sa kampanya ng Pilipinas sa UN Security Council upang maging bahagi ng solusyon.
Idinagdag niya na pinatunayan na ng bansa ang pagiging “independent, trusted partner, innovative pathfinder, at committed peacemaker.”
Target ng Pilipinas na makakuha ng non-permanent seat sa UN Security Council para sa 2027 to 2028 term, at ang eleksyon ay gaganapin sa June 3, 2026.
