Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Pamilya Pass 1+3 promo” para sa train systems sa Metro Manila.
Ang naturang programa ay may alok na libreng sakay sa MRT-3 at LRT line 1 at 2, tuwing Linggo, para sa tatlong kasama ng isang nagbayad na pasahero.
Sinabi Pangulo na ang hakbang ay upang bigyan ng pagkilala ang Family Day at ipagdiwang ang Pamilyang Pilipino.
Pinasinayaan ng First Family ang programa sa pamamagitan ng pagsakay ng tren sa GMA-Kamuning Station patungong North Avenue Station ng MRT sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Habang nasa biyahe, ay nakipag-usap si Pangulong Marcos sa mga commuter.
Kasama rin ng Unang Pamilya ang ilang mga opisyal ng Gabinete.