Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na isama ang mga hakbang para sa kalusugan at nutrisyon sa kanilang taunang investment plan.
Kasabay nito ay ang pagbibigay diin ng Pangulo sa mahalagang papel ng LGU sa pagtugon sa malnutrisyon sa Pilipinas.
Inihayag ng Punong Ehekutibo na ang pag-invest sa human capital ang daan para ma-secure ang kinabukasan ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang malnutrisyon at pagkabansot ay nagsisimula sa batang edad pa lamang at napakahirap nitong kontrahin, kung posible man.
Kaya dapat aniyang maagapan ito, lalo na sa mga buntis, mga ina, at kanilang mga anak.