dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, INATASAN ANG LGUs NA IHINTO NA “PASS-THROUGH FEES” SA MGA SASAKYANG NAGBIBIYAHE NG MGA PRODUKTO

Loading

Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang panawagan sa local government units (LGUs) na itigil ang pangongolekta ng “pass-through fees” sa mga sasakyang nagbibiyahe ng mga produkto.

 

Sa video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatanggap siya ng reports na ilang barangay ang naniningil pa rin, sa kabila ng executive order na nagsususpinde sa naturang charges.

 

Umaasa ang Pangulo na matitigil na ang paniningil na ito dahil pinapamahal lamang nito ang presyo ng mga bilihin.

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 41, pinagbabawalan ang lahat ng LGUs na mangolekta ng toll fees o charges sa motor vehicles na nagbibiyahe ng goods o merchandise na dumadaan sa alinmang national roads, pati na sa mga kalsadang hindi pinondohan para sa kanila.

 

Binigyang diin sa EO na malaki ang dagdag sa transportation at logistic costs ng unauthorized pass-through fees na karaniwang ipinapasa sa mga consumer.

About The Author