Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga negosyanteng Indian na mamuhunan sa Pilipinas sa isang roundtable meeting sa New Delhi.
Ipinagmalaki ng Pangulo ang Pilipinas bilang isa sa mga “most open and liberal” na investment environment sa rehiyon.
Aniya, natural economic partners ang Pilipinas at India na kapwa kabilang sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Asya.
Inatasan din niya ang Department of Trade and Industry na agad makipag-ugnayan sa kanilang Indian counterpart upang buuin ang Joint Working Group on Trade and Investment.