dzme1530.ph

Pangulong Marcos, hindi manghihimasok sa desisyon ng Senado sa impeachment trial ni VP Sara

Loading

Walang balak makialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang desisyon ng Senado kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang media briefing sa New Delhi, India, kasabay ng pagbibigay-diin na ang pasya sa usaping ito ay nakasalalay sa Senado.

Idinagdag pa ni Castro na nirerespeto rin ng Pangulo ang ruling ng Supreme Court na nagdeklara sa articles of impeachment laban kay Duterte bilang unconstitutional.

Sa plenary session kahapon, nagmosyon si Sen. Rodante Marcoleta na i-dismiss ang verified impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

About The Author