dzme1530.ph

Pangulong Marcos, hindi lalagdaan ang budget na taliwas sa plano ng gobyerno

Loading

Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya lalagdaan upang maging batas ang national budget na hindi nakaayon sa mga programa ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang ikaapat na SONA kahapon, sinabi ng Pangulo na ibabalik niya sa Kongreso ang anumang proposed general appropriations bill na hindi alinsunod sa national expenditure program. Handa rin siyang gawin ito kahit pa mauwi sa reenacted budget ang sitwasyon ng bansa.

Ngayong Hulyo, inaprubahan ng Pangulo ang proposed ₱6.793 trilyong national budget para sa 2026.

Matatandaang naantala noong nakaraang taon ang kanyang paglagda sa 2025 national budget, at vineto ang mahigit ₱194 bilyong line items na umano’y hindi tugma sa mga prayoridad ng administrasyon.

About The Author