dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, DUMATING NA SA NEW YORK PARA SA DALAWANG ARAW NA WORKING VISIT

Loading

Nasa Estados Unidos na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa dalawang araw na working visit, kabilang na ang high-level engagements sa United Nations (UN).
 
Dumating sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa New York, Linggo ng hapon (oras sa New York) via chartered flight.
 
Umalis ng bansa ng Pangulo, kahapon ng 10:22 a.m. (oras sa Pilipinas), at mananatili ito sa US hanggang sa Miyerkules, March 11.
 
Sa dadaluhang high-level engagements sa UN, inaasahang hihimukin ni Pangulong Marcos ang mga partidong sangkot sa kaguluhan sa Middle East na bumalik sa negotiating table.
 
Makikipagpulong din ang punong ehekutibo kay UN Secretary-General Antonio Guterres sa sidelines ng kanyang US visit at lalahok sa opening ng 70th session ng UN Commission on the Status of Women.
 
Magsisilbi naman sina Executive Secretary Ralph Rector, Education Secretary Sonny Angara, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang caretakers ng bansa.

About The Author