dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS AT UN SECRETARY-GENERAL GUTERRES, SUMABAK SA BILATERAL MEETING

Loading

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United Nations (UN) Secretary-General Antonio Guterres para talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang na ang pagnanais ng Pilipinas na magkaroon ng isang non-permanent seat sa UN Security Council.

 

Sa press release mula sa Presidential Communications Office (PCO), nag-meeting sina Marcos at Guterres sa UN headquarters sa New York sa sidelines ng dalawang araw na working visit ng Pangulo.

 

Inihayag ng PCO na pinagtibay ng dalawang leaders sa bilateral meeting ang matagal ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at global body.

 

Idinagdag ng ahensya na ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa UN Security Council ay patunay ng pagpapatibay pa ng long-term partnership.

 

Ang eleksyon para sa non-permanent seat ay gaganapin sa June 3, 2026.

About The Author