dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS AT PRIME MINISTER NG BHUTAN, SUMABAK SA BILATERAL MEETING SA MALAKANYANG

Loading

Winelcome ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bhutanese Prime Minister Tshering Tobgay nang mag-courtesy call ang Bhutanese leader sa Malakanyang.

 

Sa meeting, sinabi ni Marcos sa Prime Minister na ang mga pagsisikap upang magkaroon ng representasyon para sa non-resident ambassadors sa pagitan ng Pilipinas at Bhutan ay mahalaga para mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.

 

Muli ring pinagtibay ng Pilipinas at Bhutan ang kanilang commitment na magtulungan para sa skills training at upskilling ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority.

 

Ipinahayag ni Marcos na pagkatapos ng pandemic, dapat magkaroon ng bagong partnerships sa mga kaibigan sa buong mundo, hindi lamang sa turismo at cultural exchange, kundi pati sa people-to-people, trade, at investment.

 

Na-establish ang diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Bhutan noong Oct. 6, 2025.

About The Author