dzme1530.ph

Pangulong Marcos at mga mambabatas, hinimok na maunang sumailalim sa lifestyle check

Loading

Naniniwala sina Sen. Risa Hontiveros at Imee Marcos na dapat ang Pangulo at mga mambabatas ang unang sumailalim sa ipinag-utos na lifestyle check, kaugnay ng isyu sa mga flood control projects.

Ayon kay Hontiveros, kailangang maging halimbawa ang Pangulo upang ipakitang wala silang itinatago.

Dagdag pa ng senadora, dapat ding maging available sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng lahat ng opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga miyembro ng gabinete, upang makita na hindi sila kumita nang labag sa batas habang nasa posisyon.

Sa panig naman ni Sen. Imee Marcos, iginiit niyang dapat mismong mga mambabatas ang maunang sumailalim sa lifestyle check.

Binigyang-diin din ng senadora na matapos ang lifestyle check, kailangang ipagpatuloy ang imbestigasyon at papanagutin ang mga dapat maparusahan.

About The Author