![]()
Kumpiyansa ang Malacañang na wala ng hadlang sa Pangulo para tutokan ang mga programang pang-ekonomiya.
Ito, ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, ay kasunod ng tuluyang pagbasura ng kamara sa impeachment complaints laban sa Pangulo.
Sinabi ni Castro na ang dismissal sa reklamo ay patunay na maraming kongresista ang naniniwala sa katotohanan kaya’t ibinasura ang impeachment complaints.
Umaasa ang Malacañang na matitigil na ang ingay sa pulitika para sa ikagaganda ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino.
