dzme1530.ph

Pangulo tinanggap ang pagbibitiw ni NBI Director Jaime Santiago

Loading

Kumpirmado ng Malacañang na tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ni retired judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

Matatandaang naghain si Santiago ng kanyang irrevocable resignation noong Agosto 25.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ng dating hukom na may mga naninira at interesado sa kanyang posisyon kaya gumawa ang mga ito ng hakbang upang bahiran ang kanyang reputasyon.

About The Author