dzme1530.ph

Panghuhuli ng LTFRB sa mga kolorum na jeepney, wala nang atrasan sa susunod na Linggo

Hindi na magbibigay ng palugit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney na hindi nagpa-consolidate sa mga kooperatiba sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ito ay dahil huhulihin na ang mga kolorum na sasakyang papasada simula sa susunod na Linggo.

Ayon sa LTFRB, magtatakda sila ng mga panuntunan para sa gagawing panghuhuli sa unconsolidated jeepneys.

Itinuturing na kolorum ang mga jeepney na hindi nagpa-consolidate dahil wala na silang provisional authority na pumasada sa kanilang mga ruta matapos ang April 30 consolidation deadline.

Ang pagsisimula ng panghuhuli sa mga kolorum na jeepney ay kasabay ng ikinasang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela sa June 10 hanggang 12 para tutulan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

About The Author