dzme1530.ph

Panghihimasok sa government websites, “Yummy” para sa mga hacker, ayon sa CICC

Inihahalintulad ng mga hacker sa pagkuha ng final examinations ang panghihimasok sa mga government websites, ayon sa isang opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Sa public briefing, tinawag ni CICC Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay na “Yummy” para sa mga hacker ang mga government website, at ang pagpasok sa mga ito ay katumbas aniya ng graduation.

Noong Abril ay kinumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) na nasa two terabytes ng data ang nakompromiso ng local hackers sa isang cyber-attack.

Inihayag din ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na naka-detect sila ng mahigit 30,000 vulnerabilities mula sa 2,002 government digital assets.

Ang vulnerabilities ay nadiskubre sa pamamagitan ng project sonar: automated vulnerability assessment na ipinatupad ng dict noong december 2023 bilang tugon sa multiple hacking incidents sa government websites.

 

About The Author