dzme1530.ph

Panghaharas ng China sa air patrols ng PH Air Force sa Bajo de Masinloc, kinondena ng Pangulo

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panghaharas ng China sa Philippine Air Force sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa Malacañang, ang mga aksyon ng People’s Liberation Army – Air Force ay unjustified o walang katanggap-tanggap na paliwanag, iligal, at reckless o walang pag-iingat.

Nakababahala rin umano na sa harap ng pagsusumikap na maresolba ang tensyon sa karagatan, ngayon ay maaari na ring magkaroon ng instability sa Airspace.

Mababatid na iniulat ng AFP ang dangerous maneuvers at pagpapaulan ng flares ng dalawang Chinese Aircraft sa ruta ng PH Air Force aircraft na nagsasagawa ng routine maritime patrol sa Scarborough Shoal noong Aug. 8.

Sinabi naman ng Palasyo na bagamat nananatiling committed ang bansa sa diplomasya at mapayapang pag-resolba ng sigalot, mariin pa rin nitong hinihikayat ang China na ipakitang sila ay responsable sa kanilang mga aksyon, sa karagatan man o sa himpapawid.

About The Author