dzme1530.ph

PANGGUGULO NG ILANG MAMBABATAS SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL MESS, KINUWESTYON NI SEN. LACSON

Loading

Nagtataka si Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson kung bakit determindo sina Senador Imee Marcos at Senador Rodante Marcoleta na guluhin ang pagdinig kaugnay sa iregularidad sa flood control projects.

Sinabi ni Lacson na kwestyonable sa kanya kung ano ang end game ng dalawang senador kaya’t patuloy sa paggambala sa kanilang imbestigasyon.

Tinuligsa rin ni Lacson ang anya’y walang basehang mga kritisismo ni Marcos laban sa Blue Ribbon Committee, kahit hindi naman ito dumalo sa alinman sa mga pagdinig na kanyang pinamunuan.

Pinabulaanan niya ang pahayag ni Marcos na pinagbawalan niya ang mga miyembro na iugnay ang ilang personalidad, gaya ni dating Speaker Martin Romualdez, sa isyu.

Kasabay nito, nagbabala si Lacson na may naghihintay na double whammy sa mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sakaling bawiin nila ang kanilang mga sinumpaang salaysay sa flood control anomalies.

Sinabi ni Lacson na hindi lamang sila mananagot sa kasong perjury qat hindi rin naman mapapahina ang mga kasong binubuo laban sa mga sangkot.

About The Author