dzme1530.ph

Pangarap na mas accessible na healthcare, ‘di matutugunan ng pagtatayo lang ng mga pasilidad

Nagbabala si Senador Francis Tolentino na hindi makakamit ng bansa ang ninanais nitong accessible healthcare program kahit magtayo ng mga dagdag na healthcare facilities kung hindi agad na matutugunan ang kakapusan ng mga doktor.

Binigyang-diin ni Tolentino na sa pagdaan ng bawat araw ay nababawasan ang bilang ng mga local physicians kasabay ng pagtaas ng populasyon.

Sa kasalukuyang datos, sinabi ni Tolentino na nasa 169,000 ang mga doktor para tugunan ang pangangailangang medikal ng mahigit 101-M Pilipino.

Nangangahulugan anya ito na apat na doktor ang katumbas ng bawat 10,000 Filipinos gayung ang kailangan ay 10 doktor sa bawat 10,000 Filipinos.

Dahil dito, muling binigyang-diin ni Tolentino ang kanyang apela sa Professional Regulation Commission at mga miyembro ng Kongreso na buksan ang kanilang pag-iisip sa ideya na payagan ang mga foreign licensed doctors na pansamantalang magserbisyo sa bansa.

Maaari anyang italaga ang mga dayuhang doktor sa underserved areas upang magkaloob ng pangangailangang serbisyong medikal para matiyak na bawat Pilipino ay may access sa healthcare system. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author