dzme1530.ph

Pangangalampag sa gobyerno kaugnay sa utang sa healthcare workers, may resulta na

Loading

Ikinatuwa ng mga healthcare workers ang naging magandang resulta ng paulit-ulit na pangangalampag ni Sen. Christopher “Bong” Go sa gobyerno upang mabayaran ang utang sa kanila.

Tinukoy ng Senate Committee on Health Chairman ang ₱7-B utang ng gobyerno sa mga benepisyo ng mga Healthcare workers

Sa pagdinig sa Senado, inanunsyo ng Department of Health na may pondo nang ilalabas ang Department of Budget and Management para maibigay na ang health emergency allowance (HEA).

Iginiit ni Go na noon pang panahon ng COVID-19 pandemic inaprubahan ang emergency allowance ng mga healthcare workers pero inabot ng ilang taon bago unti-unting nabayaran.

Sa mga nakalipas na public hearing ng kumite, hindi nagsawa si Go sa paulit ulit na panawagan sa DOH at DBM para sa pagpapalabas ng health emergency allowance dahil pinaghirapan ito ng mga healthcare workers

Tiniyak naman ni Go na babantayan nila ang aktwal na pagtanggap ng allowance ng mga healthcare workers.

About The Author