dzme1530.ph

Pangangailangang palakasin pa ang disaster preparedness ng bansa, iginiit

Loading

Iginiit ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pangangailangang palakasin pa ang disaster preparedness ng bansa sa gitna ng lumalalang epekto ng iba’t ibang kalamidad.

Ayon kay Go, hindi na sapat ang kasalukuyang sistema, lalo pa’t patuloy ang banta ng matitinding bagyo, lindol, at iba pang sakuna dulot ng climate change.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang senador na magkaroon ng isang hiwalay na kagawaran na tututok sa disaster response at risk reduction.

Dagdag pa niya, mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagpapatatag ng mga institusyon at imprastruktura, lalo’t nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas at mataas ang exposure nito sa lindol at pagputok ng bulkan.

Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya, muling isinusulong ni Go ang panukalang Department of Disaster Resilience Act, gayundin ang pagbuo ng Rental Housing Subsidy Program.

Ipinanukala rin niya ang pagbibigay ng hazard pay sa disaster responders at community disaster volunteers, at ang pag-amyenda sa National Building Code para matiyak ang mas matibay at ligtas na mga gusali at imprastruktura.

About The Author