Inaasahang isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 46th ASEAN Summit and Related Summits ang soberanya ng bansa sa gitna ng umiiral na geopolitical tension.
Gayundin ang pangangailangan para sa ethical and responsible artificial intelligence, pati na ang posisyon ng Pilipinas sa US tariffs.
Nakatakda ring sumalang ang Pangulo sa iba’t ibang bilateral meetings at dadalo sa siyam na leaders’ engagements, kabilang ang sessions kasama ang ASEAN Business Advisory Council, youth representatives, at parliamentarians.
Dadalo rin si Marcos sa 16th Brunei Darussalam – Indonesia – Malaysia – Philippines ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Summit, kung saan nagsisilbing Chairman ang Pangulo; gayundin sa 2nd ASEAN-Gulf Cooperation Summit; at ASEAN-GCC-China Summit.