dzme1530.ph

Pangako ng DOTr na reresolbahin ang problema sa license cards hanggang Setyembre, aasahan ng Senado

Aasahan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang pangako ng Department of Transportation (DOTr) na matatapos ang backlog sa license cards hanggang Setyembre.

At mula sa naturang buwan ay aasahan na ni Poe na reresolbahin ng ahensya ang lahat ng problema sa kanilang sistema upang makukuha agad ng mga motorista ang kanilang cards sa araw ng aplikasyon at renewal.

Ipinaalala ni Poe na ang pagkakaroon ng digital license ay pagpapakita nang pag-aakala na lahat ng motorista ay mayroong smart phone o access sa teknolohiya.

Dapat pa rin anyang magsilbing primary ID ang license card kasabay ng pahayag na dapat tiyakin ng DOTR na ang paperless option sa ngayon ay hindi magkokompromiso sa security at privacy.

Ito anya ay dapat na bahagi ng commitment ng DOTr sa patuloy na pagsasaayos ng kanilang serbisyo sa mga motorista at sa transportation system. —-sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author