dzme1530.ph

Pang. Marcos, nagtatalaga ng bagong acting Ombudsman

Loading

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Deputy Ombudsman for the Visayas Dante Vargas bilang acting Ombudsman.

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro sa pamamagitan ng Viber message sa mga mamamahayag.

Una nang in-appoint ng Palasyo si Special Prosecutor at dating Court of Appeals Presiding Justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang acting Ombudsman kasunod ng pagreretiro ni Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo 27.

Nauna na ring sinabi ng Malacañang na ang susunod na Ombudsman ay dapat matapang at patas sa tungkulin.

Labimpito ang naghain ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council para sa posisyon ng Ombudsman, kabilang sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan, at retired SC Associate Justice Mario Lopez.

About The Author