![]()
Agad naghayag ng suporta si House Committee on Ways and Means Chairman Miro Quimbo sa mungkaheng isuspinde muna ang koleksyon ng excise tax sa produktong petrolyo.
Sa harap ito ng umiigting na sitwasyon sa Gitnang Silangan ng magsanib pwersa ang Amerika at Israel sa pag-atake sa Iran.
Ngayon pa lamang sumisipa na ang presyo ng crude oil sa global market habang tumataas pa ang tensyon sa Middle East.
Sa kabila nito, tahasang sinabi ni Quimbo na hindi ito maaaring solong gawin sa bisa lamang ng executive action.
Sa umiiral na batas, kailangan munang pagkalooban ng Kongreso ng kapangyarihan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. para suspindihin ang fuel excise tax.
Dito umano kailangan kumilos agad ang kongreso para mabigyan ng special powers ang Presidente upang pansamantalang ihinto ang excise tax sa produktong petrolyo habang nasa extraordinary circumstances.
Nanindigan si Quimbo na ngayon na ang tamang panahon at huwag ng hintayin pa na mas lumalala ang sitwasyon.
