Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang gobyerno na sabayan ng solusyon ang panawang pagtitipad sa suplay ng tubig.
Sinabi ni Go na kailangang paigtingin ng mga ahensya ng gobyerno, mga LGUs, lalo na sa mga barangay level ang kampanya sa water conservation.
Kinalampag din ng senador ang mga water service providers sa kanilang mandato na tiyaking hindi mapapatid ang kanilang serbisyo.
Partikular anyang dapat bilisan ang mga pipeline rehabilitation.
Sinabi ni Go na isinapribado ang mga water concessionaire upang magkaroon ng maayos na serbisyo lalo pa’t handa ang taumbayan na magbayad ng tama at sapat.
Nanawagan din ang senador sa gobyerno na paigtingin ang kampanya sa tamang paggamit ng tubig gayundin ang greening program bilang long-term solution at iukit sa bawat isa ang environmental responsibility. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News