Tinawag na iresponsable, iligal, at labag sa saligang batas ni National Security Adviser Eduardo Año ang panawagan ni Cong. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na kumalas ng suporta sa administrasyon.
Ayon kay Año, labis na minaliit ni Alvarez ang propesyunalismo at integridad ng AFP at PNP, at sinisira nito ang pundasyon ng democratic institutions at ng pangingibabaw ng civilian authority sa militar.
Bukod dito, maaari rin umano itong maituring na seditious at rebellious na walang lugar sa lipunan.
Hindi rin umano dapat hatakin ang mga respetadong institusyon sa partisan agenda at sa pansariling interes.
Kaugnay dito, nanawagan si Año sa Dep’t of Justice na masusing pag-aralan ang ginawa ni Alvarez, at gayundin ang pagsasagawa ng mga ligal na hakbang.
Iginiit ng National Security Adviser na ang AFP at PNP ay tapat sa konstitusyon, rule of law, chain of command, at sa Pangulo na tumatayong Commander-in-chief.