dzme1530.ph

Panawagan sa pagtitipid ng tubig ngayong El Niño, dapat sabayan ng pagbuo ng imprastraktura para sa pag-iimbak ng tubig-ulan

Bukod sa panawagang pagtitipid sa paggamit ng tubig ngayong El Niño, dapat makabuo na rin ng mga paraan para mas makapag-ipon pa ng tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ito ang binigyang-diin ni Senador JV Ejercito kasabay ng rekomendasyon na dapat magkaroon na ng mga imprastraktura tulad ng rain harvester.

Partikular na nanawagan si Ejercito sa mga lokal na pamahalaan na pangunahan ang mga kampanya at pagpapatupad ng remedial measures para pagtiyak na may sapat na suplay na tubig ang buong komunidad.

Panahon na rin anyang maitatag ang Department of Water na siyang mangangasiwa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtitiyak ng water supply.

Binigyang-diin ng senador na ang tubig ay pangunahing pangangailangan ng mamamayan lalo sa panahon ng global warming o climate change. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author