Thumbs down si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagan ng mga senador na suspendihin ang PUV modernization program.
Sa ambush interview sa Pampanga, itinanggi ng Pangulo na minamadali ang programa dahil pitong beses na itong sinuspinde.
Muli ring iginiit ni Marcos na nasa minorya lamang ang mga humihiling na suspendihin ang PUV modernization, dahil ang 80% ng drivers at operators ay nakapag-consolidate na.
Kaugnay dito, sinabi ng Pangulo na pakikinggan niya ang sinasabi ng mayorya.
Mababatid na inihain sa Senado ang resolusyon para sa pansamantalang suspensyon ng PUV modernization program, dahil sa umano’y kakulangan ng information drive ng gobyerno at mabigat na gastusin sa modern PUVs.