dzme1530.ph

Pananaw ng Pangulo sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, hindi magbabago sa kabila ng mga rebelasyon sa Kamara kaugnay ng war on drugs

Hindi magbabago ang isip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtangging muling umanib ang Pilipinas sa International Criminal Court.

Ito ay sa kabila ng mga ibinunyag ni former PCSO General Manager at Retired Police Col. Royina Garma sa quad committee hearing ng Kamara, na ginagantimpalaan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa bawat napapatay na drug suspect sa ilalim ng kanyang war on drugs.

Nanawagan din ang National Union of Peoples’ Lawyers sa Pangulo na isumite sa ICC ang mga rebelasyon sa quadcom hearing, upang maisama ito sa case build-up kaugnay ng crimes against humanity.

Gayunman, sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na hindi pa rin babalik sa ICC ang Pilipinas.

Hindi rin nito isusumite sa ICC ang mga rebelasyon sa quadcom. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author