dzme1530.ph

Pananatili ng Bulkang Mayon sa Alert Level 3, dinepensahan ng DOST

Ipinagtanggol ni Sec. Renato Solidum ng Department of Science and Technology (DOST) kung bakit hindi pa dapat ibaba ang alerto ng Bulkang Mayon.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Solidum, na nasa abnormal na kalagayan pa rin ang bulkan at patuloy pa ring nakakapagtala ng volcanic activities.

Kabilang dito ang pagbuga ng lava na lubhang mapanganib sa mga residente na nasa loob ng 6 kilometers permanent danger zone.

Mayroon din daw rockfall events at mga pagyanig sa paligid ng bulkan kung kaya’t hindi pa maaaring ibaba mula sa Alert Level 3.

Gayunman, ayon sa kalihim, hindi pa nakikita ng DOST na magkaroon ito ng major eruption.

Sa ngayon, inirerekomenda pa rin ni Solidum na manatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon upang maiwasan ang anumang panganib sa mga residente na nasa danger zone. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author