dzme1530.ph

Pananaig ng kabutihan at kaliwanagan ng pag-iisip, ipinanawagan ng pangulo ngayong Eid’l Adha

Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananaig ng kabutihan sa puso at kaliwanagan ng pag-iisip, upang malagpasan ang mga pagsubok na humahadlang sa pagkakamit ng tunay na kapayapaan.

Sa kanyang mensahe para sa Eid’l Adha o feast of sacrifice ng mga muslim, inihayag ng pangulo na sa pagtahak sa matuwid na daan ay mahahanap ang ating saysay sa pagpapabuti sa buhay ng isa’t isa at pagbibigay ng kahulugan sa ating mga gawain at pangarap.

Sinabi rin ni Marcos na ang pagpapalalim ng relasyon sa iba at sa Poong Maykapal ay pinagtitibay ng ating nakaraan at mga leksyon upang harapin ang bukas nang may katatagan.

Kaugnay dito, umaasa ang pangulo sa pagkakaroon ng isang Bagong Pilipinas na bukod sa pagsusumikap para sa hinaharap, kumikilala rin ito sa kawalan ng kakayanan kung walang paggabay mula sa kaalaman at karunungan ng Maykapal.

About The Author