![]()
Kwestyonable para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang hindi pagkokomento ng mga tinawag niyang pinklawan at mga komunista sa mga alegasyon ni dating Cong. Zaldy Co.
Ginawa nito ang pagpuna sa kanyang post sa Facebook kung saan sinabi niyang posibleng nag-i-strategize pa ang mga grupong ito.
Posible aniyang pinag-uusapan pa kung paano sila lalabas na righteous at anti-corruption habang inaagapan ang pagbagsak ng gobyerno.
Pinaklawan ang ibinansag sa mga sumusuporta kay dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo.
Iginiit naman ni Sen. Kiko Pangilinan na hindi sila nananahimik at sa halip ay nagmamasid lamang at tinitimbang ang pinakamabuti para sa bansa.
Responsibilidad aniya nilang tiyaking may saysay ang kanilang ingay at magreresulta sa pagpapanagot sa mga sangkot sa krimen.
