Opisyal nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon kay PAGASA OIC Dr. Esperanza Cayanan, ang pagpasok ng super typhoon “Betty” sa bansa at naranasang malalakas na hangin dulot ng southwest monsoon o habagat nitong nakalipas na araw, ay hudyat nang pagpasok ng rainy season sa bansa.
Dagdag nito, asahan ding maka-a-apekto sa bansa ang monsoon breaks o dry period kahit pa panahon na ng tag-ulan.
Payo ng pagasa sa publiko, dapat maging maingat ang lahat sa mga water-borne diseases tulad ng leptospirosis, ubo, sipon at lagnat.
Nabatid na karaniwang idinedeklara ang panahon ng tag-ulan tuwing buwan ng Mayo hanggang Oktubre. —sa panulat ni Joana Luna