dzme1530.ph

Pamunuan ng VMMC, tiniyak na hindi magagambala ang kanilang medical services sa gitna ng confinement ng mga tauhan ni VP Sara

Tiniyak ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang tuloy-tuloy na healthcare services sa lahat ng kanilang mga pasyente, sa gitna ng confinement ng dalawang opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP).

Ginawa ng pamunuan ng VMMC ang pagtiyak, matapos isugod sa ospital si OVP Chief of Staff, Atty. Zuleika Lopez noong Sabado at si OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta noong Lunes, matapos sumama ang kanilang mga pakiramdam.

Sinabi ni VMMC Spokesperson, Dr. Joan Perez-Rifarael, na hindi apektado ng presensya ng dalawang OVP executives ang pagbibigay nila ng serbisyo kanilang mga pasyente at kliyente.

Ipinaliwanag ni Perez-Rifarael, na pangunahing tinutugunan ng kanilang ospital na nasa ilalim ng Department of National Defense, ang war veterans at retirees, subalit bukas aniya sila sa sinumang nangangailangan ng agarang atensiyong medikal. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author