dzme1530.ph

Pamunuan ng MRT-3, naghain ng petisyon para sa taas-pasahe

Naghain ng petisyon ang operator ng Metro Rail Transit line 3 para taasan ang pasahe.

Una nang binaggit ng pamunuan ng MRT-3 na nakararanas sila ng problema sa finances dahil hindi sapat ang kita nito para mabayaran ang mga gastusin.

Ayon kay Department of Transportation ASec. for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, isinusulong sa petisyon ang boarding fare hike na P2.29, kaya naman aabot sa P13.29 ang pasahe mula sa kasalukuyang P11.00, habang ang distance fare ay aabot P1.21 per kilometer mula sa P1.00 per kilometer.

Sa kasalukuyan, nasa P13.00 ang minimum na pasahe sa MRT-3 at P28.00 naman ang maximum fare. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author